Kilos Protest Na Ito~ As Good As It Gets~ Sorry pero ito lang iyon eh: At Umibig Rin Si Juan Tamad

At Umibig Rin Si Juan Tamad

SIPAG – Wala. Huwag natin pansinin ang naibigan ng inyong "abang lingkod" na isama bilang
panimula. Ako lang ang nakakaalam kung bakit nariyan ang salitang iyan.Ako rin lamang
ang dapat makaalam sapagkat ito ang datapwa’t at ang dahil na hindi ko na rin kailangan
ipaliwanag. Hindi ko kailang ipaliwanag kasi si Juan Tamad ang bida ng maikling
kuwento na ito. Hindi naman ako kasama sa kuwento. Maraming salamat po sa inyo.
                                                        francess "hindi ko na dapat apelyido ito" raymundo

    "Inay, ano ho  ba ang nararapat kong gawin para maibigan ako ng isang dilag?"

    " Juan Tamad, tinatanong pa ba iyan sa akin, anak?"

    " Inay, kasi po, hindi po ba’t napaganda ni Sinag?"

    " Oo, anak. maganda si Sinag."

    " Kayo na po ang sumang-ayon na maganda nga po ang dalaga na nagpapatibok

      sa puso ko, sa ngayon."

    " At may "sa ngayon" ka pang nalalaman na isama, Juan Tamad."

    " Nanay, sagutin niyo naman ang una kong katanungan: ano po ang
      dapat kong gawin para mahalin ako ni Sinag?"

    " Juan Tamad, nasa pangalan mo ang sagot, anak."

    " Nasa pangalan ko? Ang pangalan ko po ay Juan Tamad. Ang
    ibig niyo bang sabihin, Inay, magpapaka-ako lang ako at maiibigan rin ako
    ni Sinag?"

   " Aba, oo, anak. Basta maging si Juan Tamad ka lang. Ganito sa atin.
    Ikaw ay isang lalaki. Isa kang binata. Hindi mo na kailangan ng sipag
    at tiyaga para mapaibig mo ang dalaga na iyong napupusoan. Masdan mo
    ang kasaysayan ninyo ni Sinag, kapag nagsimula ka nang maging si Juan Tamad
    na may pusong tumitibok-tibok para sa dalagang minamahal niya, sa harapan ni
    Sinag. Makikita mo na tama si Inay mo. Ano pa ang gusto mo na idagdag ko
    sa aking kasagutan?"

    " Wala na ho, inay. Salamat po sa inyong payo at sa sagot ninyo. Sisimulan
      ko na pong maging Juan Tamad sa harapan ni Sinag. Paano ba iyan, nanay?
      Mauna na muna ako at liligawan ko na si Sinag."

     Unang base

       " Magandang umaga sa iyo, Sinag. "

    Umupo si Juan Tamad sa harapan ni Sinag, may karinderia kasi itong si Sinag, at
    hindi na siya umalis dito hanggang sa magsara na si Sinag ng karinderia. Wala na rin
    idinagdag si Juan Tamad sa unang linya niya para kay Sinag. Mula Lunes hanggang Sabado,
    ganito sinumalan ni Juan Tamad na lumigaw kay Sinag.

    Pangalawang base

      " Magandang gabi sa iyo, Sinag."

  Umupo so Juan Tamad sa tabi ni Sinag sa pang-gabing misa para sa araw ng Linggo, umupo
  siya sa tabi ni Sinag sa upuan na pinili ng babae. Ito ang pang-7 araw ng pangliligaw ni
  Juan Tamad kay Sinag. Hindi na niya kinausap pa si Sinag at hindi niya ito hinatid
  sa bahay nito, at wala ng ginawa pang iba si Juan Tamad para sa araw ng Linggo
  na iyon kung hindi ang batiin si Sinag at umupo sa tabi ng dalaga sa loob ng simbahan.

   Pangatlong base

     " Sinag, narinig ko na nadapa ka daw sa kalsada at nabagok ang iyong bumbunan.
       Buti’t nadala ka sa ospital at hindi ka natuluyan."

  Dumalaw si Juan Tamad sa ospital. Ito lang ang sinabi niya kay Sinag. Wala siyang
  dalang prutas, Hallmark greeting card na may get-well-soon sa takip ng card, wala siyang
  dalang bulaklak, wala na siyang dinagdag sa nasabi na niya, at umutang ito ng 25 pesos
  sa kakambal ni Sinag na si Kiwi para may mainom si Juan Tamad na kape. Hindi naman
  nagbantay si Juan kay Sinag, gusto lang niya uminom ng kape bago umuwi sa kanila.

  Pang-apat na base

     "Magandang umaga sa iyo, Sinag."

   Nang gumaling na si Sinag, pinagpatuloy ni Juan Tamad ang Lunes-Sabado niyang
   pangliligaw kay Sinag bilang 6:45 am to 10:45 pm na tambay sa karinderia nina
   Sinag at Kiwi. Wala siyang binibiling ulam sa karinderia, may dala siyang
   sariling lalagyanan ng tubig, at umuuwi si Juan Tamad sa nanay niya kapag
   kailangan niyang mananghalian, magmerienda, at kumain ng hapunan.

 "All the way, Wala ng ibang" Base

  " Magandang gabi po sa inyo, Misis Tamad. Nandiyan ho ba si Juan?"

   " Juan, may dalaw ka! Si Sinag ‘ata ire.Tama ba ako, ineng? Ikaw
    nga ba si Sinag, ang dalagang liniligawan ng aking si Juan?"

  " Opo, Tia. Ako nga po si Sinag."

  " Tita Tamad nalang ang itawag mo sa akin."

  " Siya nga, Tita? Naiku-kwento pala ako sa inyo ni Juan? "

  " Hindi, Sinag. Wala naman sinasabi sa akin ang anak ko. Natutulog, gumigising,
   naliligo at kumakain lamang itong anak ko sa bahay na ito. Minsan, kinakausap
   niya ako. Paminsan-minsan lang. Mabait kasi ang anak kong iyan, at malaki
   ang naitutulong niya sa akin. Wala na akong hahanapin at hihilingin pa kung
   ako’y tatanungin ukol sa anak kong iyan, na si Juan Tamad."

  " Kumakain, naliligo, natutulog, gumigising at minsan-minsa’y kayo ay kinakausap
    ni Juan? Paano po siya naging malaking tulong sa inyo, Tita?"

   ‘Iba na ang may lalaki sa bahay, Ineng. Dito sa atin, ganyan tayo.Kaya’t mabuti
    na naisipan mong dumalaw kay Juan, na mapag-usapan na ninyo ang nalalapit
   niyong pag-iisang dibdib.’

   " Opo, Tita. Iyun po nga ang ipinunta ko dito. Salamat nga po at tinulungan
    niyo po akong matukoy ang mga tamang salita para sa isinadya ko dito. Pagiisang
    dibdib. Tama. Iyun pala ang mga salitang kanina ko pa po hindi maala-alala."

   " Inay, si Sinag po ba ang kausap ninyo sa may pintuan? "

   " Juan Tamad! Ako nga itong si Sinag. I lab u !!!!!!!!!!!! Kailan mo ako
     balak iharap sa pari at pakasalan? Sa isang linggo na ba? Sa isa pa? Juan!
     Itanan mo nalang ako basta kasama natin si Kiwi! Ngayon lang ako umibig
at hindi ko akalain na sa iyo pa ako ako iibig, pero ok lang, Juan Tamad!!!! Pa-kiss na naman diyan!!!!
 

     [ oo. parang tumitili
     si Sinag habang nagsasalita dahil babae lang siya at kinikilig ito
     dahil ikakasal siya sa lalaking iniibig niya, at may lalaking umiibig sa
     kanya na hindi pinili ng ibang tao para sa kanya, at hindi sinasadya ni Sinag
     na magmahal, pero, hindi naman matitiis ng mga katulad ni Sinag ang mga katulad
     ni Juan Tamad: single, available, ready-to-marry, at may nanay pa, nanay at tatay pa
     may tatay pa, na aalalay sa pamilya niya to be". May mga babae na katulad ni
     Sinag, mayroong mga katulad ni Kiwi, si Kiwi kasi, kailangan may trabaho yung lalaki,
     may pera nang naipon sa banko, guwapo, may-pinagaralan,may respeto sa babae
     marunong tumanggap ng pagkatalo,hindi mambubugbog,hindi magsisinungaling, hindi magpapa-iyak,hindi manglalason,
     hindi niya papatayin ang kanyang asaw, hindi siya katulad ni Mr. Malayo in English Arina plus S. clue: may posisyon
     ito sa gobyerno aka naglilingkod sa bayan
     marunong magluto,marunong magmaneho, marunong magpiano, marunong paikutin ang kaliwang litid ng kaliwa niyang tuhod
    para magmukhang baling "leg" (;) kikindat nalang ako dahil hindi talaga
ako magaling mag-Tagalog.Sorry😉 at walang kapansanan na naitatago sa loob ng kanyang pantalon, at iniibig rin ni Kiwi,
     bago niya sagutin ang kanyang mangliligaw. Bakas ito sa mukha ni Kiwi na
     laging nakasimangot at mukhang kuwarenta anyos na kahit trenta’y uno anyos lamang
     siya.  Kaya nga si Sinag ang linigawan ni Juan Tamad. Walang problema kay Sinag, kay Kiwi, maraming
     problema. At marami pang klaseng babae liban kina Sinag at Kiwi pero hindi
     na pupunta doon ang iyong "abang lingkod" dahil nabibilang siya sa mga katulad ni Kiwi.]

[ Nahimatay na muna si Juan Tamad dahil hindi siya nakahanda para sa ganoon
  klaseng grabe na sobrang init at nagbabagang pagkakatanggap ni Sinag sa
  pangliligaw niya at sa pagtibok-tibok ng puso niya para sa babae. Nang
  lumipas ang kalahating oras, naggising na rin si Juan Tamad sa
  pagkakahimatay nito. Nagpasiya silang magtanan ni Sinag na kasama si Kiwi. ]

c.2010 (c.)francess raymundo (San Juan City,Metro Manila)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s