Filipino Kritik

 

Filipino Kritik

(Para kay J.C.)

 

Patong-patong ang mga kulay.

Mga kulay na pinagpatong-patong.

Mayroong ibanaon at napagpatungan ng husto.

Mayroong nakabaon.

Lumot,limot,libog,o sagot?

Lumot,kung lupa ang simula.

Limot,kung hangin ang panimula.

Libog,kung may kinamot lang ang lumikha.

Sagot,kung ang dahilan ay hindi pa naitanong.

Mga maling tanong sa tamang sagot.

 

Bakit kulay ang ipinatong sa ibinaon?

Bakit pinatungan ng husto ang nabaon?

Bakit nabaon ang napatungan ng husto?

Bakit may nakabaon?

Kasi ginusto.

Kung itatanong ang hindi pa naitatanong,

Walang bibili ng gawa niyan.

Dahil patong-patong ang mga kulay

At mahirap magtanong.

 

[Francess Raymundo. Manila. 2009]

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s