a few petals from this manila rose

 
a. if i leave he would not feel that i’ve left. he won’t notice. one day when i have the time these lines will have more meaning. you guys can watch and understand the lines better.
 
    " Did I trip, did I stumble? Lose my balance; graze my heart; graze my knee? – [ from the movie " The Love Letter"] ]
 
       No, Francess dear. That’s called SUMEMPLANG!!!!
 
 
     i watched myself recently, footage from 2005. i know that i have poise. i saw that he didn’t see me fall like that, i just stood up and fixed the video camera. i heard my 2005 voice. whenever i
     speak with him it’s always with that same soft 2005 voice. even if i’m only writing to him.
 
     Semplang like that. Tsk3x. and twice. Signos ba? Oo, signos. I fell for the same guy, twice. I did.  I really did.
 
     And he has made me cry again. He always makes me cry. It’s alright. I don’t mind.
 
     It’s all there in my book’s dedication.
 
 
     For [ blank] ~ who is a teacher. a teacher who is very good.
 
 
b. That’s all I could think of. I wanted to stay out of trouble, this time. If I had the freedom to choose from "all the words in all of this world’s languages"  I would have been able to come up with something much better than the antiseptic one I settled for.
 
    I hate the word ‘antiseptic’. It always caused many arguments with the other guy [the one who has no soul] . Ikinasusuklam ko lagi noon tuwing nagmamalinis siya. Balai itong katawan ko,
    hindi ospital. Consider our bodies as temples of the Lord. But  Jesus Christ was a carpenter and fisherman. So my body is just a house. Balai lang at hindi templo.
 
    Naisip ko kamakailan kung bakit nag-iisa ako. Dahil sinasamba ako ng mga lumiligaw sa akin. [ Maliban dun sa isa na wumasak sa akin na hindi niya dapat ginawa. Confucius says: If you     make
    a mistake and you don’t correct that mistake, you are making another mistake. Meaning, kapag nagkulang ka, bumawi ka naman dun sa may kailangan na bumawi ka sa naggawa mo. At bumawi
     ka ng tama at maayos, utang na loob. Wala, Maestra ako eh. Guro. Kagalang-galang na guro. Kaya nga ba’t maraming guro na abogado rin. Sa dami ng nabasa naming libro, ang mga guro,
     kapag naging abogado..sila ay lulusot sa lahat ng gugusot at sa lahat ng gusot. ]
 
    Idol ko? Si Lolo Noy ko. Guro siya na naging Abogado. At tingnan niyo nga’t diretso siya sa langit, kahit may anak ‘ata siya sa labas.
 
   
    Lesson: Huwag niyo akong sambahin kung liligaw kayo sa akin o hidden desire niyo ako. Dahil tiyak na hindi ako mapupunta sa inyo. Lalo na kung Katoliko kayo. Ten Commandments.
                  Diyos lang dapat ang sinasamba, wala ng iba.
 
                   Sakyan natin ang "everything is debatable" ~ ok, sige. Eh paano kung Diyosa ka ngang talaga? Ok…semantics. Mali ang pinili niyong mga salita. Mala-Diyosa lamang ako
                   kung kaya’t hindi dapat sambahin.
 
                   Minamahal lang dapat ako. Sinisinta lamang at rinerespeto. Huwag pupulubihin at huwag ilublob sa putikan, dahil mala-diyosa nga ako. Kung kaya’t ako’y inyong tigilan
                   kung mga bobo at ‘tadong mokong kayo na lalaki, na hindi marunong umintindi. Kung bulag kayo at may sakit sa utak.
 
                   Wala rin. Dahil nakikihalubilo lang ako sa mga marunong umintindi sa mga nasa itaas. Ang hindi maganda dito ay ito: may kapansanan silang lahat.
 
                   Anong kapansanan iyun? The Don Quixote syndrome. Kung hindi duwag, sobrang alpha kapal muks and kups  naman. Lord, padalhan niyo naman ako ng isa lang. Yung anti- Don Quixote.
 
                    Yung bang andun siya sa gitna ng Cowardice at  ng Foolhardy.  
 
 
                    Pero, Lord..mayroon na akong iniibig. Hindi ko siya sinasamba. Pero alam niyo na, hindi ako plastik at nakikinig ako ng OPM. Sharon Cuneta, ba.
 
                    " Kung kasalanan man sa Diyos na sambahin ko siya, maaaring maunawaan Niya naman ang tulad ko…" [ iniba ko ng kaunti, para tumugma sa situation ko. ]
 
 
c. Noong isang araw, fiesta dito sa amin. Kumalembang ang mga kampana at ang mga singing sensations na mga lasenggo dahil  borrowed and paid for until the next day and gigantic karaoke
     machine na happiness ng mga nakatira sa ERAP country tuwing darating ang fiesta ni San Juan de Baptismo. Ayan, ayan ako sa aking kama. Eengkang-engkang, isa’t kalahating pilay nanaman at nadaganan ng bintana dahil sa dumaan na bagyo at nagdadalamhati na parang may namatay. Dahil  na-torture ako ng mga kumakantang lasing, yung mga bumibirit na frustrated singer, yung mga ‘tadong depressed na na-injectionan ng amats overdose: JUKEBOX! ano ba iyan?!
 
   Nag papatawa nanaman ang Langit, sabi ko. Langit…’ NAMO! " Yun ang naisip ko.
 
    Inisip ko rin na hindi ko papatulan ang pang-aalaska ng Langit.
 
    But you know, "sapagkat ako’y tao lamang na marupok" , nag " if you can’t beat the jologs, join the jologs nalang" Share in their pagdadalamhati sa gabing ito, dahil sa gabing ito, marami kang
    karamay kahit ikaw ay aristokrata na nagtatago sa kuwarto mo."
 
    Hindi ka ba, bibigay kung tuloy-tuloy ang JUKEBOX torture na ganun?  Kamusta Ka, Yung Kanta ng mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral  yung may mga words na " kung kaya kong baguhin ikot ng mundo, Claire dela Fuente, Leah Navarro, Ray Valera, Nonoy Zuniga, Basil Valdez etc etc. "
 
 
     Eh, di O-cry nanaman si francesska sa kuwarto niya.
 
 
      " Diyos ko, pakibago naman ang ending na naisulat Niyo na para sa akin. Sabit na nga ako sa nangyari kay Mama at Papa, dadalhin ko ba ang ganito hanggang sa huling araw ko dito sa mundo. Ayaw ko po. Maawa po Kayo sa akin. Pakibago naman ang ending ng naisulat Niyo na para sa akin. Ayaw ko po ang mag-isa. Hindi ko po Kaya ang walang katuwang sa pag-tanda. Kung tumanda man ako. Ayaw ko po ang wala sa aking tabi ang aking iniibig at sinisinta. Ibalato Niyo na lamang siya sa akin, Please. Alam niyo naman kung hanggang kailan ko siya kayang hintayin.
Alam niyo naman kung gaano ko na lamang siya iniibig. Paki untog naman ang ulo nitong aking Mr. Thoughts, hulugan niyo ng buko, o paggulo niyo sa matsing ang kanyang kulot na buhok. Basta, paki alis nga ang pagka-hilo at lito nitong si Mr. Thoughts ko.  Nahihirapan na po ako.
 
       Diyos ko, pakibago naman ang ending na naisulat Niyo na para sa akin. Sabit na nga ako sa nangyari kay Mama at Papa, dadalhin ko ba ang ganito hanggang sa huling araw ko dito sa mundo? Ayaw ko po. Maawa po Kayo sa akin. Hindi dapat ako nag-iisa ng ganito. Napakaramot ng langit. Wala akong pakialam kung bilyon-bilyon ang mga lalaki sa mundong ito. Natigbak ako ni Mr. Kupido, eh. Kilala Niyo ba si Mr. Kupido? Hindi naman estupido si Mr. Kupido eh. Bakit kay vanessa, hindi nagpaka estupido itong si Mr. Kupido?
 
        Tingnan Niyo naman ako, Diyos Ama. Nakikita Niyo ba ako? Paki-bago naman ang ending na naisulat Niyo na para sa akin. Maawa po kayo sa akin. Ayaw ko po ang nag-iisa na wala sa piling niya. Kahit gawin niya lang akong taga-laba ng mga karsunsilyo niya [ matanda na siya eh] may guwentes naman eh. Hulugan Niyo na po ng buko sa ulo si Mr. Thoughts ko, nang mabukulan na siya. At sumakay na siya ng kabayo, [ kahit isa’t kalahating pilay rin ang g@go] para angkinin na niyang tunay ang matagal ng kanya. At dun niya na ako dadalhin sa kaharian ng Angin. "
 
d. Hindi ako nagpapatawa. Ano ang huli kong alas? Isang damit na pasadya. Ang aking Army na puno ng mga babaeng bakla. Sa susunod namin pagkikita, humanda siya. Siya ang magkakanda-ugaga ‘pag ako ay kanyang muling makita.
 
      Oist, Mr. naglalaro ng kahoy na manyika. Kaya mo pa ba? Matitiis mo pa ba ang ganitong nasa harapan mo?
 
      Ayan, itinodo na ng mga Filipina, para sa iyo. Siguro tumama na ako dito. Heto, Ako. Human Puppet. Anong gagawin mo? Please, anong gagawin mo?
 
 
     Sagot ng mamang naglalaro ng kahoy na manyika: O sige. siya -siya. Akin ka nalang nga. Hindi ko na kayang mag-kunwari pa. Mahal kita, Francess. Mahal kita.
 
 
     F: Ok. Good. Ngayon, huwag mong sayangin ang damit na ito. Saan ka magsisimula?  Oist, pakipatay ang mga ilaw, maliban sa isa. Anino ang importante sa eksena na ito. Master, minsan lang na may humarap sa iyong tao na naging puppet. kaya sige, Hala! maglaro ka na, hanggang sa pagdating ng umaga. At yung umaga na para sa isang bukas, yung para sa bukas ng iyon pero bukas makalawa ng bukas na tinutukoy ko…Hala! hanggang sa maubos ang lahat ng aking  mga naisulat na numero, ang aking mga bukas na nabilang na ng aking Diyos Ama, nung nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking Ina.
 
 
       { Aja! }
 
 
e. Hindi ko kaya. Kailangan ko itong isama. " Namo! hudas kang bading ka. Anong ibig mong sabihin na wala akong genre?" Bokya kong Tagalog may napapaiyak ako, yun pa bang sa area na
    nagpaka-henyo ako?" Isang sapak. isang suntok, batok at kurot, galing sa akin p’ra sa’yo.
 
     Humahalakhak ako dito. Kasi po, para sa lahat ng mga traydor diyan sa tabi-tabi…hindi niyo ba naisip kung kanino mapupunta ang huling tawa? hindi  inyong mga Hudas.
 
      Ano bang nangyari kay Hudas?  Hindi ba’t nagpatiwakal siya? Maraming puno sa Ate’ at sa UP..’tado. Mamili ka na. [ smile na pang-asar galing sa akin at ‘eto: powtah!]
 
 
[ to be continued….francess raymundo]

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s