Para sa Aming naging Dean Danilo Yanga

Dear, dearest Dr. Dean Danilo Yanga,

 

Hindi ako makatulog dahil nalulungkot ako. Hindi ako namaalam sa inyo nuong Biyernes. Hindi kasi uso sa akin ang goodbye, eh. Nakuha ko ‘ata ito sa aking tatay.

 

Ibig ko talagang mamaalam nung araw na iyon, kaso alam ko na iiyak lang ako. Na-imagine ko kasi na pag dating ko sa 7th floor ay inilalabas na ang inyong mga gamit, patunay na aalis na nga kayong talaga. Naalala ko noong kinuha ko ang SPCP 96 yearbook ko, ilang araw matapos magdaan ang aming graduation. Inilalabas rin ang gamit ng aming principal na madre [siyempre, madre…convent school nga eh] dahil aalis na rin siya noon. Hinintay lang niya na makapag-martsa ang batch naming puro sakit ng ulo pero puro “stuff to bring joy to her heart” rin naman ang idinulot.

 

At ‘eto, sa totoo lang, tinamaan ng lintik ang aking kaliwang kamay. Poor heart circulation, so there I was at home, wrapped like a mummy. Hay. Alam niyo namang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung aakyat ako ng 7th floor na may sakit nanaman.

 

Medyo malas kasi ang panahong ito para sa akin, tuwing dumadating ang panahon na ito. End of Mays to first weeks of Junes.

 

Ngayon ang wedding anniversary ng aking mga magulang. Ito ang huling araw na narinig ko ang boses ng aking Papa. Ngayon ang araw na nag ACTION! [ CLICK!] ang erstwhile status niya na MIA at AWOL.

 

Dean, hindi uso sa akin ang salitang goodbye pero usong-uso ang mga salitang Thank You Po,  at Salamat.

 

Thank you for keeping your word na makakatapos ako ng isang taon. Thank you for showing me na may mga taong marunong tumupad sa pangako. Na mayroon pang mga natitirang tao sa mundong ito na may isang salita.

 

Salamat sa isang taong pag-alalay at pag-gabay. Yung bang leadership, authority and guidance.

 

Salamat sa kung papaano ko na lamang na-discover kung saan ba lulugar sa kanilang dalawa. Alam mo na kung sino ang dalawang ito. Eh di sa gitna…sa gitnang-gitna ng dalawang ito: isang socio-linguist at ng isang  descriptive linguistics and applied linguistics specialist. Pero, kung paano sila mahalin bilang guro, ay nanggaling sa inyo.

Itong dalawa ay minamahal ko dahil sa kanila nanggaling ang bago kong nametag: hebigat! Kung kaya’t yung isa, buong puso kong minamahal, at yung isa rin ay buong puso kong minamahal. Pantay na pantay sa pagiging buong-buo, para  naman, kahit sa aspekto na ito { sinong mahal ni francess? } ay walang inggitan.

 

Natatawa ako, Dean..dahil tayo lang ang nakakaalam ng ibig sabihin ng nasa itaas.

 

Yun nga lang, si Ma’am Nieva Discipulo…. mahal ko siyang guro at ang puso ng estudyante na ito na nagmamahal, ay nagmamahal ng doble at buong-buo.

 

Kayo naman ang pantay, Dean. Kahit hindi kita nagging guro, ay teacher pa rin kita sa mga bagay na hindi natuturo sa loob ng klase ng graduate school.

 

Dean Yanga, thank you, ha. Nabawasan ang galit ko sa mundo, ng kaunti. Magandang tingnan ang Ms. Francess Raymundo , MAT-English ( UE- Manila) MAEng Lit/CW (Ateneo de Manila University—thesis lang ang naharang ng todo-todo kaya ang aking transcript ay union ng Ateneo years and UE-Manila years) [removed],  BA Liberal Arts with professional certificate  in Industrial Economics ( UA&P), diba?

 

 Alumni nga ako ng AdMU [ 6 ½ years] pero ang pinaka-treasured kong diploma ay yung ipinagdamot ng 4th  loved alma mater ko, na bukal na bukal naman sa kalooban na iaabot sa akin ng 2nd best loved kong alma mater. Ano pa ba yun, eh di ang MAT-English ( UE-Manila), batch 2008, under Dean Danilo Yanga diploma.

 

Importante kasi yun, eh. Kung kanino kang ‘ anak’. [ wink!]  Pacencia na po at wala ako sa iyong despidida nuong May 21. Walang nagsabi sa amin eh. Hindi rin din naman daw kasi ako makakapunta nuon dahil [ ehrm…alam niyo na po kung ano yung naganap noong 22nd ]

 

Ayan, ha, Dean. Ito lang ang kaya kong ipahatid sa kasalukuyan. Bumibigat ang feeling ko, at nalulungkot na nanaman ako.

 

Di bale, 15 minutes lang ang layo ko sa U.P. College of Science. Malamang [ kung hindi ako mamalasin]  sa birthday niyo na darating, eh makikita niyo naman ulit ang aking magandang ngiti at mukha, eh.

 

Ano ba ang dina-drama ko pa rini, eh malapit na pala aking mag-martsa. Hindi po kayo puwedeng tumanggi na pumunta sa private graduation rites ko. Nagsabi na si Ma’am Fely na sa araw na iyon ay ipasasara ang graduate school, para sa aming dalawa na nag-tandem para hindi na kami maghintay ng October.

 

Dean, salamat, salamat, salamat, from the bottom of my heart and from the pinaka-matinding magnetic malas point of my pesteng balat sa puwet.  Yeah, yeah…scientist nga po kayo, pero, duh….totoo po ang myth of the malas c/o a birthmark on one’s puwet.

 

Isang tawa naman diyan po, o? at isang ngiti galing sa aming pinakamamahal na “ Mr. Boombastic” na Dean. Sigh. Now “former” Dean.

 

 

O, siya siya. Kelangan ko nga pala ang aking beauty sleep, at picture taking ko nga pala para sa Panorama[yearbook] next week. Kailangan ko pati pagsabihan ang gumagawa ng website ng UE-Manila na huwag ilagay ang “ Sign up for your yearbook now. It will help you abroad.” Bakit kailangan ilagay ito?  Para bang bow na kami sa alaskado forever na nasa tapat lang namin ang hindi mawalis-walis na mga salot na namemeke ng diplomang Maynila. Ayan, tuloy, dalawa ang kopya ko ng yearbook na babayaran. One to frame, and one to keep. Sa wakas, may yearbook na rin kami ni Mrs. Escobar, after HS days.

 

Kailangan ko rin pagsabihan ang mga website developer namin na ayusin ang lumilitaw na curriculum ng MAT-English sa website. Aba, at ayaw ko naming mag-mukha kaming engot sa mundo. Pingot ang dadalhin ko sa mga gumagawa ng website namin.  Hindi kami 30 units lang.  42 units po kami. Kasama ang Thesis Direction, Language Acquisition: Theory and Practice, and Management of Bilingual Classrooms. Poster-girl nga ako eh, kaya dapat, maayos ang web-site, kung hindi isusumbong ko sila kay Lucio Tan. { haha. As if. Joke lang. Aayusin nila ito, puwede bang, hindi, eh ako ang kaharap nila. Hahaha}

 

/Namin/ ang aking ginagamit, dahil tapos na ang dramang “ HIRAM”…na hiniram lang po kayo ng U.E. graduate school. Nagpapasalamat ako na naubutan ko pa ang huling chapter nito.

 

 

Maliliit na bagay na lamang ang kailangan kong balikan sa U.E.-Manila, Dean. Salamat sa inyong isang salita. Salamat na makakapag-ipon na rin ako para maituloy ang initial plan. Si ama kong abugado, ang pangakong napako ay yung anak niyang hindi niya minahal, ni minsan, ay mag-aabogado. Sapagkat yun lang ang silbi ng aking ama. Ano pa eh di gabayan niya ako sa ins-and outs ng Phil. Law.

 

Kaso, sa ibang bansa ako mag-aaral. Dalawang taon lang ang Law Studies doon. At [ cross my fingers, tse! to my balat sa puwet] may dalawang taon pa sana ako. At hindi para sa kahit kanino,pero para sa akin lang, kaya nga tinawag na initial plan eh.  Sana, kasing-suwerte ko kayo, Dean, at umabot ako sa inyong age. Pero, hindi ‘ata ako suswertehin ng ganun. Oks lang. Basta hindi dapat ako mauna sa aking Mama.

 

 

 Pero habang narito pa ako, ay….Dean…tenk you, tenk you at mishyu always always always po, kahit magkikita pa naman po tayo.

 

Love,

From your ma-drama, iyakin, maganda, hebigat, sentimental, grateful, and sparkly U.E. graduate school  “child” [ and proud to have been one of your ‘children’],

 

Francess Raymundo

 

 

P.S. great big….big big…warm embrace. Quit smoking na, ok? (removed) [ ooops…off the record remark, at baka mapalo si Dean ng kanyang minamahal na Ina…heresy lang ‘iyan ( wink!) hindi nagyoyosi si Dean….hindi. Hindi talaga 😉

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s