Si Maria Clara at Si Rama…

Si Maria Clara at Si Rama

 

Sino kaya ang mananalo sa upakan? Si Ibarra kaya kung uupakan niya si Rama o yung Ibarra na naging Simone na? Ah, alam ko na. Hindi naman si Ibarra ang macho Filipino archetype ng buhay ko, eh. Oo, nga pala’t si Elias pala ang aking crush.

 

Dito nanggaling ang muntikan na akong masilo ng isang kagalang-galang na guro (daw) na some kind of a "Ang Iniibig Kong Magsasaka/Mangingisda" ang hitsura. Totoo. Bagay siya sa isang Malang. Kompleto, gitara nalang ang kulang. Maitim, sobrang payat, mukhang magsasaka nga eh, [ o mangingisda ]…yung tipong nasa kubo at naninigarilyo dahil pagod na siya sa pagtatanim buong araw tapos pasway-sway ang kamay niya na may hawak na yosi sa labas ng bintana. Wala lang, nagbibilang ng bituin habang humuhuni ang mga kuliglig.

Alaskado ako noon isang taon, as in. Ang tanong: Sinong tanga? Eh di si Francess, sino pa ba? Hay.

Mabuti nalang, lagi kong dala yung ebidensiya. Ano yun? Wala…wala lang naman. Sulat lang naman niya na may kasinungalingan: It’s just a ring, a ring that I bought for myself. It does not mean anything.

Biruin niyo, kaklase ko siya noong summer, ha? Siya ang may kasalanan kung bakit napadpad ako ng Caloocan. Hanep. Sobra talaga ang hatak nitong birthmark on my puwet na ito.

Kaya naman, yung mga naging "barkading" ko na guro doon, isa lang ang kanta na pang-alaska sa akin: " Ang sabi mo, binata ka pa"..blahblahblah. Hay buhay.

Di bale, pahiya naman siya. Itong buong summer na ito, pati yung isang semester, hindi siya nag-enroll sa grad school. Dapat lang, ‘tado. Lumayo ka na muna, hangga’t maka-graduate ako, dahil kahit sina Ate Jhamimoy, inis sa iyo, noh. Kung hindi kita naupakan, yung mga parang naging kamag-anak ko na sa 7th floor~ bugbog sarado ka dun sa mga yun.

Ang sabi sa kanya ng mga ka-tropa niyang faculty: Mister, ang gago mo rin, ano? Una, sige, malabo ang mata ng Ms. Raymundo na ‘yan kaya sige, naniwala na magkasing edad kayo. Sa sobrang payat mo nga naman, hindi ka mukhang old. Guwaping in a magsasaka kind of way, oo nga naman, baka naman inaalagaan mo lang ang sarili mo. you know, to have a fit body.

Pero, yung pangalawa, dito pumapasok kung ikahihiya ka namin: ano ba? kung gusto mo pala siya, at mukha nga siyang uto-uto, at biro mo, giginhawa ang buhay mo kung na-uto mo siya…nang-uto ka sana nang tapat. Sinabi mo na sana, noong una pa: na may anak kang dalawa at informal na hiwalay na kayo ng dati mong asawa.

Eh di, baka hindi na-trauma itong bago nating faculty.

At pangatlo, anong iniisip mo? Na itatago mo siya sa Caloocan, para hindi maligawan ng iba? Hay. Marami kang nabasang libro masyado. Utopia mo? Naglahong bigla, kasi hindi uso sa amin ang mang-api ng bagong faculty. Kaya sinabi namin sa kanya yung totoo, nung unang araw niya dito.

 

Hay.

~0~

Mabalik tayo kay Maria Clara at kay Rama ( si Rama ng Bhagavadgita) …si Rama ni Sita. Pantay lang ang appropriation. 50%, Maria Clara ako.

50%, Salome naman ako ( yung Salome ni Elias).

May chance kaya kami ng aking Rama?

Siguro. Apat na taon na, malapit nang maging lima. Wala pa ring bumibitiw sa aming dalawa, wala pang may gustong bumitaw sa komplikasyon namin. Dahil, intro palang ang mga taon nang dumaan. Hindi pa nagsisimulang talaga ang kuwento. Ang haba ng intro, ano? Napapagod na ako ng kaunti.

O, Rama ng buhay ko, tumupad ka sa usapan, ha? Hindi kita mapupuntahan sa taon na ito. May sakit ako, alam mo iyon. Ituloy mo naman ang matagal na nating pina-plano. Para naman, kahit man lang sa harapan ng aking yaya at driver, kahit man lamang sa harapan nila’t, hindi naman ako mapahiya.

Kahit sila lang ang makakita na mahal mo ako at nag-iibigan naman tayo talaga eh [ kahit ewan ko ba kung bakit napaka-konshus mo, eh yung nanay mo naman, sampung taon din mas bata sa tatay mo eh, noh]…

Pagong lang itong si aking Rama. Lalo na ako, isa rin akong pagong.

Eh di, panalo kami pareho, sa ending. Sana. Kahit na si Oras pa ang kalaban naming kuneho. (pinapalakpakan ko ang sarili ko dito, ang lalim ko talaga mag-isip. nakita niyo ba yun? Paradox yung huli.in-love rin ako sa sarili ko eh, in-love na in-love ako sa nilalaman ng utak ko. hay)

Pacencia ka na, Rama, ha? At inabogado nanaman kita, dini. (kiss) Sabi ko hindi na ako magsusulat tungkol sa iyo. Sige, hindi nga. Dahil Tagalog ito, at hindi Bahasa Malay o Ingles. Kaya, hindi maiintindihan ng mga bumibwisit sa ating napakagandang intro. So, na-technical ka ngayon ng sweetheart mong, abugadang hilaw.

Iiling-iling lang ang Rama ko. ‘Di siya magagalit. Maiisip lang niya na nadagdagan nanaman ng isa yung bilang ng mga utang pa niyang yakap para sa akin.

Hay. Ako’y in-lab. Umiiling rin ako. Bakit?

Ang ganda ng pangarap namin eh. Pag natapos na ang intro, at humaba ang buhay ko, ako ang mag-aaral para mapabilang sa M’sian Bar, balang araw. Bakit ba? Puwede naman i-todo ang pangarap eh, at panaginip. Kung kakayanin, eh di, sige.

Isa lang ang buhay ng tao kung kaya’t itodo na ang ikaliligaya ng puso at kaluluwa.

Ako ang mas bata, eh. Hindi na kasi yata ako pwedeng mag-turo, baka maatake de corazon ako sa gitna ng isang lecture. Kawawa naman ang aking Rama, pag nangyari yun. Noong isang taon, muntik na akong malumpo kakaaykat ng hagdanan.

Hay, Rama. Tumupad ka muna sa usapan. Tapos, hintayin natin kung darating ang bahaghari para sa ating dalawa. Isa sa pinakamagandang bahagharing likha ng Diyos, na siguro yun, kung dumating ito pagtapos ng napakahaba nating intro.

~0~

Hai.

Salam, saya cinta abang. Salam na muna. Huwag mong kalimutan: saya badan dan saya hati, satu-satunya kamu.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s