long time no see

 
matagal na pala akong hindi nakapagsulat sa blog kong ‘ini. ano bang bago sa akin, hmmm…
marami.
 
nung isang gabi napagtripan ng dalawang puppeteer ang aking beauty. matagal na rin akong hindi napansin ng mga lasing o duling man lang.
pero habang naghihintay sa Conspiracy bar para magsimula ang show ni Ka Pete Lacaba, etc, ay nag-some enchanted evening ang drama ng lola ninyo.
 
ibang klase talaga ang mga pinoy, ano? porquet foreigner ang kasama ko doon, at nagsama talaga ako ng pogi, dahil lagi nalang akong lonesome dove tuwing nakikita ng iba pang writer, eh. at least nung gabing iyon ay si francess raymundo ay may tangan-tangan haaay sige na nga gawin nating~ may bitbit na guwapo, at si patricia evangelista ang alone. siguro ang ka-date nun ay si K.Y. hehe.
 
ganoon? bitbit? fashion accessory daw ba…
 
 
pero wow… nabakuran pa rin ang kagandahan ko.
 
pinoy men~ bwahaha. isip siguro ng dalawang over-grown kids na iyon, " pare, bebot o, na mukhang aanga-anga. tawagin nga natin sa stage, para gaguhin ng puppet ko."
 
kung alam lang nila kung anong iniisip ko tungkol sa naglalaro ng puppet: HOY, MGA MISTER~ MAGTRABAHO NGA KAYO NG MAAYOS. YUNG MAGSUOT KAYO NG LONG-SLEEVES AT MAG NECKTIE AT PUMASOK NGA KAYO SA OPISINA. AT HUWAG YUNG NAGLALARO KAYO DIYAN NG MANYIKA, NA NAGSISILBING PHALLIC SYMBOL SA MGA KATULAD NINYO. ITONG BABAE ( BEBOT) NA NAPAGTRIPAN NIYO? DAIG PA KAYO. AKO, NAKA-NECKTIE PA PAG PUMAPASOK SA TRABAHO.
 
hehe. all good lang ‘yan. kahit na pang-sesame street ang mga act niyo~ ano bang magagawa natin, eh, sobrang westernized nga naman ang pilipinas.
 
ako nga, hindi lalabas ng bahay kung hindi naka-blue eyes. para mukha akong hybrid na mahiwaga. o diba, carry? pina-akyat niyo nga ako sa stage.
 
mag-donate nga kayo ng pera para sa mga puppeteers natin, at ibalik niyo nga ang batibot.
 
yung isang puppeteer, butas butas ang sneakers~ either napunta nang lahat sa puppet ang pera niya, o lucky shoes niya lang iyon~ bwahaha.
 
yung iba kaya, suot ang lucky briefs nila? ilan kayang butas naman ang meron iyon? haha. atsaka walang babae na puppeteer. what can i say, its a man’s world.
 
 
isip rin siguro ng dalawang iyon~  ang suwerte naman ng foriegner na iyon, at may kasamang pinay na bebot. mahiram nga ang date ‘nun. tutal kapwa pinoy naman natin. its all in the family. tawagin natin siyang " kaibigan " bwekhekhek~ ahem.
 
at uulitin ko~ hoy, magtrabaho nga kayo at magbayad ng income tax. ikahon niyo na yang mga puppet niyo, at hindi na kayo totoy.
 
ako nga, namulubi na dahil sa income tax witheld na iyan. hoy Gloria! puwede ba? tantanan mo na ang laway ng mga teacher niyo, ng mga kagalang-galang na guro. laway namin at katatayo sa mainit na classroom, kakasigaw ng quiet! sa mga kabataan mo na  may AD-D ( atttention deficit disorder) lahat, nasa balita noong isang araw, 90 percent of teachers in the philippines have TB-tuberculosis ayon sa DepEd~ tapos ang galing galing mo kumaltas ng income tax, na walang naman voucher kung ipa-kurakot sa mga congressman.
 
ganoon eh noh? ok lang daw bang ipakurakot, as long as may voucher? bwahaha.
 
hmmmm, paano kaya maging legal member ng underground economy? yung bang good old fashioned ibaon sa lupa ang earnings at hindi sa bank itago~ bwekhek, ang korny, pero…hmmmm???
 
 
kaso baka mabungkal ng Maynilad waters~ hoy, Maynilad, pakitigil nga ang kakabungkal. nagkukunwari lang naman kayong may ginagawa eh. huwag na.
 
nung din gabing iyon, napadaan ako sa may Altura, wow pare, na flood ang makina ng kotse ko, para akong nasa Subic, glub, glub glub~ sayang at walang napa-ahon na syokoy ( tama ba ang spelling) ~ may boyfriend na sana ako ngayon. hehe
 
siokoy…tsiokoy…shocoi ( ngek, whatever, siguro yung isa yung tama )
 
sa topic ulit ng mga guro~ ngayon nalang ako magrereklamo at i’ve learned my lesson. hindi na ako magtuturo. daig pa ako kung magsahod ng mga nagbebenta sa turo-turo. waaaah, ang korny nampucha.
 
lastly, oist Bob Ong, nasaan ka na? miss ka na ng iyong mga fans.
baka next book mo, ay karibal mo na ako…
 
kakaiba ang humor ng konyo ah.
 
at maraming konyo sa mundo.
 
( to be continued, dahil nag-kick in na ang paghalo ng valium at guinness. tumba na ako, mga pare. ‘pagkat  november nako nakapag-october fest, at ang puso kong ito, ay broken hearted nanamang ulet)
 
hangkulit.
 
 
 

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s